^

Bansa

Jinggoy, 8 pang kolektor ng jueteng pinangalanan ni Chavit

-
Tinukoy kahapon ni dating Ilocos Sur governor Luis "Chavit" Singson ang inaanak niyang si dating San Juan Mayor Jinggoy Estrada bilang kolektor ng jueteng payola ni dating Pangulong Estrada.

Sa pagpapatuloy ng pagdinig sa kasong plunder sa Sandiganbayan Special Division, pinangalanan ni Singson si Jinggoy kasama ang walo pang kolektor na sina Romy Lahara, Mayor Arman Sanchez ng Batangas, Bong Pineda, Charing Magbuhos, Romy Pamatpat, Celso delos Santos, Jessie Viceo at ang kapatid niyang si Bonito.

Subalit sinabi ni Singson na wala sa ledger ang mga pangalan dahil iniutos umano ni Estrada na huwag nang ilagay ang mga ito.

Sinabi pa ni Singson na mahilig magsugal si Jinggoy at paborito nitong laro ang pusoy dos. Ginagamit din umano nito ang kanyang opisina sa San Juan sa pagsusugal ng pusoy dos.

Kaugnay nito, kasalukuyang pinag-aaralan ng prosekusyon ang pagsasampa ng panibagong kaso laban sa mga nabanggit na jueteng operators.

Inamin din ni Singson ang talamak na jueteng operations sa kanyang lalawigan kung saan 34 bayan doon ang may operasyon.

Apat na bulubunduking lugar lamang aniya sa Ilocos Sur ang ligtas sa operasyon ng jueteng.

Gayunman, itinanggi ni Singson na may kakilala siyang jueteng operator dahil hindi naman umano kasama sa kanyang trabaho ang alamin pa ito.

Samantala, ibinasura na ng special division ang mosyon ng panig ng mga Estrada na i-disqualify si assistant Ombudsman Dennis Villa Ignacio. (Ulat ni Malou Rongalerios-Escudero)

vuukle comment

BONG PINEDA

CHARING MAGBUHOS

ILOCOS SUR

JESSIE VICEO

JINGGOY

MALOU RONGALERIOS-ESCUDERO

MAYOR ARMAN SANCHEZ

OMBUDSMAN DENNIS VILLA IGNACIO

PANGULONG ESTRADA

SINGSON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with