Kasalang Jules, Assunta sa session hall tinutulan
August 10, 2002 | 12:00am
Tutol ang nakararaming kongresista na gamitin ni Negros Occidental Rep. Julio "Jules" Ledesma ang mismong session hall ng Kamara sa plano nitong pagpapakasal sa kasintahang si Assunta de Rossi.
Sa panayam kahapon kay Majority Floorleader Neptali Gonzales, chairman ng House committee on rules, kapag pinagbigyan ng komite ang nais ni Ledesma ay posibleng masundan pa ito at gamitin na ang hall sa iba pang pagtitipon gaya ng party.
"Theres a strong opposition from the members. Baka kasi pag pinagbigyan natin, abusuhin naman at pati pagdaraos ng birthday parties ay gawin sa plenary hall," ani Gonzales.
Kinumpirma din ni Gonzales na inihayag mismo ni Ledesma sa isa nilang pag-uusap ang kagustuhan nitong ikasal sila ni Assunta sa plenary hall kung saan idinaraos ang sesyon ng mga kongresista pero hindi umano siya sigurado kung nagbibiro lamang si Ledesma o hindi.
Subalit sa isang panayam sa telebisyon, sinabi mismo ni Ledesma na gagawa siya ng request sa liderato ng Mababang Kapulungan kaugnay sa kanyang plano.
Gayunman, nang tawagan ng PSN ang tanggapan ni House secretary general Roberto Nazareno para tanungin kung natanggap na niya ang request ni Ledesma ay wala pa ito sa kanyang opisina.
Ipinaliwanag naman ni Gonzales na sakaling totohanin ni Ledesma ang kanyang request ay dadaan muna ito sa tanggapan ni Nazareno bago dalhin sa rules committee. (Ulat ni Malou Rongalerios-Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended