BID pinadedesisyunan sa tunay na nationality ni Cardinal Sin
August 7, 2002 | 12:00am
Binigyan ng 60 araw na palugit ni Dr. Ramon Roces Arevalo, lider ng Freedom from Rome Movement sa bansa ang Bureau of Immigration and Deportation sa tunay na nationality ni Manila Archbishop Jaime Cardinal Sin makaraang mapatunayan na ito ay hindi isang Filipino kundi isang dayuhan na may pasaporte bilang isang citizen ng Vatican City.
Pinupunto ni Dr. Arevalo na ang Vatican City ay isang independienteng bansa na may sariling soberanya sa Italya at si Sin bilang dating contender sa pagiging Santo Papa na siyang pinakamataas na pigura sa Katolisismo sa buong mundo at isa ring head of state ay malinaw na nagpapakilala na siya ay hindi Filipino.
Bunsod ng umiiral ng single citizenship sa bansa, sumasagka dito si Cardinal Sin na lumilitaw na may dalawang citizenship.
Binigyan diin pa ni Dr. Arevalo na sakaling matapos ang palugit na ibinigay nito sa BID at hindi nakagawa ng karampatang solusyon ay dadalhin niya ang usapin sa korte kung saan ay maaaring kasuhan ng sibil ang citizenship ng pinakamataas na pinuno ng simbahang Katoliko sa bansa. (Ulat ni Andi Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am