Ayon kay Sen. Barbers, anumang oras ay nakahanda siyang manguna sa pagbibitiw sa kanyang posisyon bilang senador kung magpapatuloy ang "awayan" sa upper chamber na itinuturing na nagiging hadlang para matugunan ang mga prayoridad para sa kapakanan ng bayan at mamamayan.
Sinabi ni Barbers, naimungkahi niya ang solusyong ito dahil sa umiiral na sigalot sa pagitan ng mga mambabatas na nagiging sagka sa pag-unlad ng ating bayan at pagsulong ng ating ekonomiya.
"Natutuwa ako at nagkasundo na ang mga senador mula sa oposisyon at administrasyon pero sana ay huwag nang maulit dahil hindi nakakabuti sa ating bayan kung ang mismong mambabatas ay nag-aawayan" wika pa ni Barbers. (Ulat ni Rudy Andal)