^

Bansa

Barbers umatras sa mungkahi na magbitiw silang mga senador

-
Iniatras na kahapon ni Senador Robert Barbers ang kanyang mungkahing magbitiw silang lahat na mga senador matapos magkaroon ng solusyon ang suliranin sa Mataas na Kapulungan.

Ayon kay Sen. Barbers, anumang oras ay nakahanda siyang manguna sa pagbibitiw sa kanyang posisyon bilang senador kung magpapatuloy ang "awayan" sa upper chamber na itinuturing na nagiging hadlang para matugunan ang mga prayoridad para sa kapakanan ng bayan at mamamayan.

Sinabi ni Barbers, naimungkahi niya ang solusyong ito dahil sa umiiral na sigalot sa pagitan ng mga mambabatas na nagiging sagka sa pag-unlad ng ating bayan at pagsulong ng ating ekonomiya.

"Natutuwa ako at nagkasundo na ang mga senador mula sa oposisyon at administrasyon pero sana ay huwag nang maulit dahil hindi nakakabuti sa ating bayan kung ang mismong mambabatas ay nag-aawayan" wika pa ni Barbers. (Ulat ni Rudy Andal)

vuukle comment

AYON

BARBERS

INIATRAS

KAPULUNGAN

MATAAS

NATUTUWA

RUDY ANDAL

SENADOR ROBERT BARBERS

SINABI

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with