4 smugglers, 3 hukom pinasasampahan ni GMA ng kaso sa DOJ
August 6, 2002 | 12:00am
Personal na pinasasampahan kahapon ni Pangulong Arroyo sa Department of Justice (DOJ) ng kasong smuggling ang apat na negosyante at tatlong hukom na umanoy nagkaroon ng katiwalian sa kanilang tungkulin.
Nagtungo kahapon ng umaga si Pangulong Arroyo kay Justice Secretary Hernando Perez upang personal na makita ang pagsasampa ng kasong smuggling kina Antonio Chua Jr.; Carlos Carillo ng Tobaco, Albay at consignees ng kargamento; Pierre "Peter" N. Toundjis, Presidente ng El Greco Ship Manning Management Corporation at Yushawu Awudu, isang Ghanian national at kapitan ng M/V Neptune Breeze.
Ang apat ay sangkot sa pagpupuslit ng may 35,000 sako ng imported na bigas noong Setyembre 23,2001 habang sakay ng M/V Criston na dumaong sa Pier ng Tobaco, Albay.
Kasabay nito sasampahan din ng kaso sina Judge Arnulfo Cabredo ng Tobaco RTC dahil sa pagpapalabas nito ng Temporary Restraining Order (TRO) base sa petisyon nina Chua at Carillo kayat nailabas ang mga kargamento mula sa pag-iingat ng Bureau of Customs (BOC) noong Nobyembre 7,2002 habang nasa kalakasan ng bagyong Nanang.
Pinasasampahan din ng Pangulo ng kasong kriminal at administratibo sina Judge Eliodoro Ubiadas ng Olongapo City RTC na unang may hawak ng kasong rice smuggling at Judge Lorenzo Rodrigo ng Pasig RTC na nagbigay naman ng kautusan upang makapagpiyansa ang limang Chinese drug trafficker na naaresto sa isang shabu laboratory sa Pasig City. (Ulat ni Gemma Amargo/Ely Saludar)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest