Suicide bomb: 2 Pinay dedo
August 6, 2002 | 12:00am
Dalawang Filipina na nagtatrabaho sa Israel ang kumpirmadong nasawi sa isa na namang pagsalakay ng isang suicide bomber na Palestino sa isang pampasaherong bus noong Linggo.
Kinumpirma ito kahapon ni Foreign Affairs Asst. Secretary Victoriano Lecaros.
Sinasabi sa ulat, ang dalawang Pinay ay nakilalang sina Rebecca Roga, 24, nagtatrabaho bilang caregiver at tubong Oriental Mindoro at Adelina Cunanan,37, caregiver at nakapag-asawa ng Israeli at tubong San Fernando, Pampanga.
Ang mga biktima na kasama sa pitong pang nasawi sa insidente ay nakilala lamang sa kanilang mga dala-dalang ID cards.
Magugunita na sa isang naunang suicide bombing incident, may mga Filipino ring nasugatan.
Sa pangyayaring ito, ipinayo ng Deparment of Foreign Affairs (DFA) na magsagawa ng car pooling ang mga Filipino sa naturang bansa at umiwas sa pagsakay sa mga pampublikong transportasyon.
Maging si DFA Secretary Blas Ople, ay nanawagan sa mga manggagawang Pinoy na huwag munang magtungo sa Israel dahil sa sigalot sa pagitan ng Israel at Palestinian Liberation Organization (PLO).
Ang naganap na bus attack ay inako na ng Hamas militant group mula sa ipinadalang statement sa isang television station sa Lebanon bilang ganti umano sa pagkamatay ng lider ng Hamas na si Salah Sheladan at labing-apat na Palestino sa ginawang air attack ng Israel kamakailan.
Gayunman,sinabi ng DFA na wala pang dahilan upang magsagawa ng mass evacuation sa may 30,000 Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Israel.
Nagpahayag naman ang pamahalaang Israel na magbibigay ng tulong sa pamilya ng mga nasawing Pinay.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended