^

Bansa

Pork barrel ng mambabatas di daragdagan

-
Walang maaasahang dagdag na pork barrel sa susunod na taon ang mga senador at kongresista sa ilalim ng panukalang pambansang badyet sa 2003.

Ayon kay Budget and Management Secretary Emilia Boncodin, ang bawa’t senador ay tatanggap lamang ng tig - P100 milyon at bawat kongresista naman ay tig-P35 milyong pork barrel sa ilalim ng Priority Development Assistance Fund na umaabot sa kabuuang halagang P 3.3 bilyon.

Sinabi ni Boncodin na hindi lang naman mga mambabatas ang magdaranas ng kawalan ng dagdag na pondo kundi lahat na ahensiya ng gobyerno para makontrol ang kakulangan sa pondo o budget deficit.

Bagaman walang dagdag na pondo sa pork barrel, sinabi ni Boncodin na ang bawa’t mambabatas ay mayroon namang pahintulot na makapagrekomenda ng mga infrastructure projects sa ilalim ng Public Works Act.

Ang panukalang pambansang badyet para sa susunod na taon na pinagtibay ng Pangulong Arroyo ay nagkakahalaga ng P800.7 bilyon.

Ipadadala ang panukalang badyet sa Kongreso ngayong linggong ito. (Ulat ni Lilia Tolentino)

AYON

BAGAMAN

BONCODIN

BUDGET AND MANAGEMENT SECRETARY EMILIA BONCODIN

IPADADALA

KONGRESO

LILIA TOLENTINO

PANGULONG ARROYO

PRIORITY DEVELOPMENT ASSISTANCE FUND

PUBLIC WORKS ACT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with