^

Bansa

3 Pinoy ligtas sa bitay sa Saudi

-
Tatlong overseas Filipino workers (OFWs) na may kasong pagpatay ang nakaligtas sa parusang bitay matapos na ipag-utos ng korte sa Kingdom of Saudi Arabia na ipawalang-bisa ang mga ito.

Sa report ng Embahada ng Pilipinas sa Riyadh sa Department of Foreign Affairs, kinilala ang mga OFWs na sina Joselito Alejo, Romeo Cordova at Ramiro Esmero.

Ang mga nabanggit na manggagawang Pilipino ay pawang inakusahan sa pagpatay sa isang miyembro ng Saudi police noong 1997.

Mula sa isang source sa Malaz Central Jail sa Riyadh, inabsuwelto ang tatlo matapos na mabigong dumalo ang mga kinatawan ng biktima na nakilalang si Fahad Al-Otaibi sa itinakdang mga pagdinig sa korte.

Ayon kay Foreign Affairs Secretary Blas Ople, ang tatlong OFWs ay inaresto at ikinulong ng Saudi police noong Agosto 1997 matapos na iturong pumaslang sa nasabing Saudi national.

Itinuro umano ni Alejo si Esmero na siyang pumatay kay Al-Otaibi dahil sa paniniwala nito na nakauwi na sa Pilipinas si Esmero habang si Cordova ang nagsilbing kasabwat sa krimen.

Gayunman, pinabulaanan ni Esmero ang akusasyon at nanatili ang kanyang paninindigan na siya ay inosente.

Hinihintay na lamang ng Malaz Central Jail ang kautusan ng korte na palayain ang tatlong Pinoy bago nila tuluyang pakawalan ang mga ito.

Sinabi naman ni Poe Gratela, secretary general ng Migrante International na ang tatlong nakaligtas na OFWs sa parusang bitay ay kabilang sa 46 Pilipinong nasa death row sa Saudi. (Ulat ni Ellen Fernando)

vuukle comment

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

ELLEN FERNANDO

ESMERO

FAHAD AL-OTAIBI

FOREIGN AFFAIRS SECRETARY BLAS OPLE

JOSELITO ALEJO

KINGDOM OF SAUDI ARABIA

MALAZ CENTRAL JAIL

MIGRANTE INTERNATIONAL

PILIPINAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with