PNP naghanda na ng malaking kulungan para sa anti-US protesters
July 31, 2002 | 12:00am
Inaasahan na ng PNP na mainit na sasalubungin ng mga anti-US protesters ang pagdating ni US Secretary of State Collin Powell sa bansa sa Biyernes kaya naman bilang paghahanda ay inihayag ni PNP chief director Gen. Hermogenes Ebdane na magtatayo ng isang malaking kulungan ang pulisya para sa mga maaarestong ralista na lalabag sa patakaran sa kilos-protesta.
Nilinaw ni Ebdane na mahigpit nilang ipatutupad ang no permit, no rally sa pagdating ni Powell. Isasailalim din sa heightened alert ang PNP at AFP sa pagdating nito.
Iprinisinta ni Ebdane kay Pangulong Arroyo at sa Gabinete ang security measures na inihanda ng militar at pulis at tiniyak ng PNP chief sa Pangulo na walang anumang karahasan ang mangyayari sa mga gaganaping kilos-protesta ng mga militante. (Ulat ni Ely Saludar)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest