^

Bansa

Kasong kriminal sa nakabaril na Kano

-
Posibleng sampahan ng kasong kriminal ang Amerikanong sundalo na umano’y nakabaril sa isang hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa Tuburan, Basilan.

Sinabi ni Department of Justice (DOJ) Secretary Hernando Perez na hindi pa rin ligtas ang sundalong si Reggie Lane na umano’y bumaril sa Yakan member na si Buyong-Buyong Isnijal dahil wala anyang immunity from suit ang mga sundalong Amerikano kahit na kabahagi sila ng Balikatan Exercises kung meron umanong kasalanan ang mga ito.

Nilinaw pa ng kalihim na walang nakasaad sa Visiting Forces Agreement (VFA) na hindi puwedeng sampahan ng kasong kriminal ang sinumang sundalong Kano na lalabag sa anumang batas ng Pilipinas.

Hindi naman umano diplomats ang mga US troops na kabahagi ng Balikatan kaya hindi maaaring ipawalang-sala ang mga ito sa anumang kasong kriminal at sibil.

Magugunitang binatikos kamakailan ang pamahalaang Arroyo ng militanteng grupong Bayan Muna dahil sa anila’y pagkunsinti ng Pangulo sa mga Amerikanong sundalo kahit na tahasang nalalabag ng mga ito ang batas sa bansa. (Ulat ni Gemma Amargo)

ABU SAYYAF GROUP

AMERIKANONG

BALIKATAN EXERCISES

BAYAN MUNA

BUYONG-BUYONG ISNIJAL

DEPARTMENT OF JUSTICE

GEMMA AMARGO

REGGIE LANE

SECRETARY HERNANDO PEREZ

VISITING FORCES AGREEMENT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with