Oposisyon igigiit ang legalidad ng Hunyo 3-6 sesyon
July 29, 2002 | 12:00am
Igigiit ngayon ng mga miyembro ng oposisyon na pagbotohan ang legalidad ng kanilang Hunyo 3-6 sesyon habang dadalo pa sa huling pagkakataon sa senado si Sen. Blas Ople bago manumpa bukas bilang DFA secretary.
Ayon kay Senate Minority Leader Aquilino Pimentel Jr., hihilingin nila sa sesyon ngayon na pagbotohan ang legalidad ng Hunyo 3-6 sesyon na isinagawa ng oposisyon kung saan ay apat na mahahalagang panukalang batas ang kanilang ipinasa sa ikatlo at pinal na pagbasa.
Sinabi ni Pimentel, kaya nais nilang pagdedesisyunan ng buong kasapian ng senado sa isasagawang sesyon ngayong hapon ang itinalakay na mahahalagang panukala na kanilang ipinasa. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest