^

Bansa

Camiling, Santiago mahigpit na magkalaban sa AFP top post

-
Mahigpit na magkaribal sina Armed Forces of the Philippines (AFP) Vice Chief of Staff Lt. Gen. Gregorio Camiling at Philippine Army Chief Lt. Gen. Dionisio Santiago sa pinakamataas na posisyon sa liderato ng militar kaugnay ng nalalapit na pagtatapos ng ektensiyon sa termino ni AFP Chief of Staff Gen. Roy Cimatu.

Ito’y matapos na ihayag ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na hanggang Setyembre 1 na lamang sa serbisyo si Cimatu at wala na siyang planong palawigin pang muli sa ikalawang pagkakataon ang termino nito.

Nabatid na nitong nakalipas na buwan, nag-umpisa sa hanay ng mga contenders ang jockeying sa posisyon.

Ayon sa isang high ranking military official, sa nakikita niya ay ang dalawa ang malakas na contenders at ang magiging mahigpit na magkukumpetensiya sa posisyon upang pumalit kay Cimatu. (Ulat ni Joy Cantos)

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

AYON

CHIEF OF STAFF GEN

CIMATU

DIONISIO SANTIAGO

GREGORIO CAMILING

JOY CANTOS

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL ARROYO

PHILIPPINE ARMY CHIEF LT

ROY CIMATU

VICE CHIEF OF STAFF LT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with