^

Bansa

Kidnap gang bumanat: P15-M ransom hingi

-
Aktibong kumikilos ngayon sa Metro Manila at mga karatig lalawigan ang isang kidnap-for-ransom (KFR) gang matapos na dukutin ang dalawang biktima kabilang ang isang mayamang negosyante.

Ito’y sa kabila ng inilunsad na all-out-war policy ng pamahalaan ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo laban sa malalaking sindikatong kriminal sa bansa.

Base sa sketchy report, ang unang dinukot na biktima ay isang batang babae na anak ng isang mayamang negosyante sa Metro Manila.

Ayon sa source, dinukot ang bata nito pang nakalipas na Miyerkules sa katimugan ng Metro Manila.

Matapos dukutin ang bata ay isinunod namang dukutin ng grupo ang isang mayamang negosyante sa Laguna.

Gayunman, tumanggi ang PNP na magbigay ng detalye at pagkakakilanlan sa dalawang panibagong biktima ng kidnapping dahilan baka mabulilyaso umano ang isinagawang operasyon ng Police Anti-Crime Emergency Responce (PACER).

Nabatid na humingi umano ang naturang grupo ng P5 M ransom kapalit ng kalayaan ng bata habang P10 M naman ang hinihingi para sa mayamang negosyante.

Kaugnay nito, narekober na ng mga awtoridad ang Ford Expedition ng negosyante na inabandona ng mga kidnapper sa Calamba City.

Ang nasabing sasakyan aya kasalukuyan umanong nasa kustodya ng Laguna Police Provincial Office (PPO) sa Sta. Cruz Laguna.

Naghihinala naman ang mga awtoridad na alinman sa Bucala Group, Fajardo group at Villber group ang responsable sa pagdukot sa mga biktima.

Ang tatlong nabanggit na grupo ay kabilang sa 21 KFR syndicates na target lansagin ng PNP sa loob ng isang taon.

Magugunita na matapos iluklok sa posisyon ni Pangulong Arroyo si PNP Chief P/Director General Hermogenes Ebdane Jr. ay nagbigay ito ng ultimatum na uubusin ang lahat ng KFR groups sa loob ng lamang ng isang taon. (Ulat ni Joy Cantos)

BUCALA GROUP

CALAMBA CITY

CHIEF P

CRUZ LAGUNA

DIRECTOR GENERAL HERMOGENES EBDANE JR.

FORD EXPEDITION

ISANG

JOY CANTOS

LAGUNA POLICE PROVINCIAL OFFICE

METRO MANILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with