Honasan nagbabala na mananagot si GMA kapag tumaas ang singil sa tubig
July 27, 2002 | 12:00am
Binalaan ni Senador Gregorio Gringo Honasan na mananagot sa taumbayan si Pangulong Arroyo kapag di nito pinigil ang naka-ambang pagtaas sa singil sa tubig ng Manila Water Inc. Co. at Maynilad Water Services, Inc.
Ang pagtaas ng singil sa tubig na nakatakda sa Agosto 2002 ay magiging dagdag na pasanin sa mga residente ng Metro Manila na di pa nakakabawi sa mga nakaraang pagtaas ng presyo ng kuryente, langis at iba pang prime commodities, ani Honasan.
Ang presyo ng singil sa tubig ay tumaas na nang dalawang ulit, noong Oktubre 2001 at Enero ng kasalukuyang taon at nagresulta sa mahigit 60 percent na pagtaas sa basic charge mula P4.22 naging P6.76 bawat cubic meter na konsumo ng tubig.
Tulad ng kinamumuhiang PPA sa singil sa kuryente, napansin kong mahigit 50 percent ng binabayaran ay walang koneksiyon sa aktuwal na tubig na nakokonsumo ng mga residente dahil nakapaloob sa kanilang bayarin ang mga foreign exchange losses, meter service charge, environment sewers charge at VAT, sabi pa ng senador.
Binanggit rin ni Honasan na ang mga idinadagdag na gastusing ito ay karaniwang kinakarga ng mga kumpanyang pumapasok sa anumang negosyo kabilang na ang mga public utilities, kayat siya ay nagtataka kung bakit pinapayagan umano ng pamahalaan na ipasa ang mga ito sa mga mamamayang bugbog na sa mga mataas na bilihin.
Mahalagang siguruhin ng pamahalaan na bago isipin ang anumang pagtaas pagbutihin muna ang pagbibigay ng serbisyo ng tubig sa mga residente.
Binanggit ni Honasan na sa San Lazaro Hospital pa lamang ay may 400 kaso umano ng pagkakasakit ng acute diarrhea na nagresulta sa limang pagkamatay dahilan sa kontaminadong tubig mula sa mga tubong butas ng naturang mga water utilities. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest