Martes ng gabi ng nagtungo ang Pangulo sa Cinema 7 ng SM Manila at lubos ang kagalakan nito dahil sa maganda aniya ang pelikulang MIB2 na pinagbibidahan nina Tommy Lee Jones at Will Smith.
Pero, nilinaw nina Pangulong Arroyo at FG Mike na nagbayad sila sa sinehan kasama ang mga kagawad ng Presidential Security Group.
Aminado ang Pangulo na mahilig siyang manood ng sine at sa katunayan ay humanga ito sa pelikulang Gladiator ni Russel Crowe at kanyang ginamit sa SONA ang salitang "stay with me, we will win." (Ulat ni Ely Saludar)