^

Bansa

Pulis, ralista talu-talo na, maximum tolerance inalis ni GMA

-
Nagbabala si Pangulong Arroyo na hindi na patatawarin ang mga magugulong demonstrasyon sa Metro Manila.

Ang pahayag ng Pangulo ay kasunod ng naging marahas na kilos-protesta sa ilang bahagi ng Quezon City at Maynila noong Lunes sa kanyang State of the Nation Address (SONA) kung saan tinamaan ng bato sa mukha si Sr. Supt. Rafael Corpuz ng PNP Civil Disturbance Management Unit ng WPD dahil sa rali ng grupo ni People’s Consultative Assembly (PCA) secretary general Linda Montayre.

Sinabi ng Pangulo na kanyang inalis na ang ipinatutupad na maximum tolerance sa mga kilos-protesta at sa halip ay ipatutupad ang batas sa mga lalabag dito.

Ikinatwiran ng Pangulo na ang maximum tolerance na ipinatutupad ay isang polisiya lamang at hindi batas kung kaya’t maaari itong baguhin.

Ayon sa Pangulo, sa isang malakas na republika ay kailangang ipinaiiral ang Konstitusyon.

Nilinaw ng Pangulo na hindi naman ito nangangahulugan na inaalis na ang karapatan sa kilos-protesta subalit nais lamang na maalis ang kaguluhan.(Ulat ni Ely Saludar)

CIVIL DISTURBANCE MANAGEMENT UNIT

CONSULTATIVE ASSEMBLY

ELY SALUDAR

LINDA MONTAYRE

METRO MANILA

PANGULO

PANGULONG ARROYO

QUEZON CITY

RAFAEL CORPUZ

SR. SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with