Ang pagpapatigil sa PPA ay isinampa ng grupo nina Enrile dahilan pabigat umano ito sa pasanin ng milyong consumers sa bansa ang PPA.
Sinabi ni Judge Alfredo Flores ng Pasig City Regional Trial Court (RTC) Branch 167 na malapit na siyang magpalabas ng desisyon matapos na kapwa nagsumite na ng kani-kanilang mga ebidensiya ang panig ng prosekusyon at depensa.
Ang injunction para sa PPA ay sinampa ni Enrile at ng grupong nabanggit nitong nakalipas na buwan.
Ikinakatwiran ng grupo ni Enrile na hindi umano marapat na pagbayarin ang milyong consumer ng karagdagang singil sa kuryente na hindi naman ng mga ito nakokonsumo.
Samantala, tinukoy naman ni Atty. Rainer Butalid, legal counsel ng NAPOCOR ng Section 78 ng Electric Power Industry Reform Act o EPIRA kung saan ay ang Korte Suprema lamang umano ang may karapatang kumuwestiyon sa legalidad ng implementasyon ng PPA.
Sa panig ni Enrile, sinabi nito na may hurisdiksiyon rin ang Pasig RTC sa kaso dahilan ang kinukuwestiyon lamang naman umano ay ang hindi makatwirang koleksiyon sa PPA at hindi ang mismong kontrata ng Independent Power Producers (IPPs) sa pamahalaan.
Ang administrasyon ni dating Pangulong Fidel Ramos ang pumasok sa kontrata ng IPPs upang maresolba ang power crisis na sinambot lamang nito mula naman sa dating administrasyon ni dating Pangulong Corazon Aquino. (Ulat ni Joy Cantos)