^

Bansa

Kaso ng isyu sa PPA dedesisyunan na

-
Nakatakda nang desisyunan sa lalong madaling panahon ng Pasig City Regional Trial Court (RTC) ang inihain ni dating Senador Juan Ponce Enrile at ng mga cause oriented groups na "injunction" o ang pagpapatigil sa koleksiyon ng kontrobersyal na Purchased Power Adjustment (PPA) o ang karagdagang singil na ipinapataw sa singil sa kuryente ng Meralco at National Power Corporation (NAPOCOR).

Ang pagpapatigil sa PPA ay isinampa ng grupo nina Enrile dahilan pabigat umano ito sa pasanin ng milyong consumers sa bansa ang PPA.

Sinabi ni Judge Alfredo Flores ng Pasig City Regional Trial Court (RTC) Branch 167 na malapit na siyang magpalabas ng desisyon matapos na kapwa nagsumite na ng kani-kanilang mga ebidensiya ang panig ng prosekusyon at depensa.

Ang injunction para sa PPA ay sinampa ni Enrile at ng grupong nabanggit nitong nakalipas na buwan.

Ikinakatwiran ng grupo ni Enrile na hindi umano marapat na pagbayarin ang milyong consumer ng karagdagang singil sa kuryente na hindi naman ng mga ito nakokonsumo.

Samantala, tinukoy naman ni Atty. Rainer Butalid, legal counsel ng NAPOCOR ng Section 78 ng Electric Power Industry Reform Act o EPIRA kung saan ay ang Korte Suprema lamang umano ang may karapatang kumuwestiyon sa legalidad ng implementasyon ng PPA.

Sa panig ni Enrile, sinabi nito na may hurisdiksiyon rin ang Pasig RTC sa kaso dahilan ang kinukuwestiyon lamang naman umano ay ang hindi makatwirang koleksiyon sa PPA at hindi ang mismong kontrata ng Independent Power Producers (IPPs) sa pamahalaan.

Ang administrasyon ni dating Pangulong Fidel Ramos ang pumasok sa kontrata ng IPPs upang maresolba ang power crisis na sinambot lamang nito mula naman sa dating administrasyon ni dating Pangulong Corazon Aquino. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

ELECTRIC POWER INDUSTRY REFORM ACT

ENRILE

INDEPENDENT POWER PRODUCERS

JOY CANTOS

JUDGE ALFREDO FLORES

KORTE SUPREMA

NATIONAL POWER CORPORATION

PANGULONG CORAZON AQUINO

PANGULONG FIDEL RAMOS

PASIG CITY REGIONAL TRIAL COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with