Sa radio address ng Pangulo, sinabi nito na malaki ang gagampanang papel ng senador sa kampanya ng pamahalaan laban sa illegal na droga.
Nahirang ng Pangulo si Sotto bilang overall consultant ng bagong Dangerous Drugs Board na siyang binuo matapos na maisabatas ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Nilinaw ng Pangulo na ang ibinigay nitong tungkulin kay Sotto ay hindi na nangangailangan na magbitiw bilang senador dahil ito ay advisory lamang.
"Hinirang ko po si Senador Sotto dahil siya ang pangunahing awtor ng Republic Act 9165, ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Senator Sotto will work closely with the administration without resigning from the Senate," pahayag ng Pangulo.
Agad klinaro ng Palasyo na walang pulitika sa nasabing puwesto ni Sotto at sa halip ay tutulong ito upang magtagumpay ang kampanya laban sa illegal drugs. (Ulat ni Ely Saludar)