Sina Soriano at Sto. Tomas ay nagkaroon ng sigalot nang kuwestiyunin ng Labor secretary ang pagkakagamit ng pondo ng OWWA sa pagpapatayo ng murang pabahay sa Smokey Mountain.
Sinabi ni Sto. Tomas na naipalabas ang pondo nang walang pahintulot ang OWWA Board na pinamumunuan ng Labor secretary.
Subalit sinabi ni Soriano na wala namang iregularidad sa paggamit ng pondo dahil ang pabahay ay para rin sa mga Pilipinong manggagawa na siyang may kontribusyon sa OWWA fund.
Si Soriano ang pangalawang opisyal ng gobyerno na napagsabihan ng Pangulo na magbitiw na sa puwesto kung hindi titigil ng pag-iingay na nakapagbibigay ng masamang impresyon na hindi nagkakaisa ang mga opisyal ng administrasyon.
Ang una ay si Pastor Boy Saycon na director ng PDIC dahil naman sa pag-iingay nito sa planong pagtatalaga sa puwesto sa mga kapanalig ni dating Pangulong Estrada. (Ulat ni Lilia Tolentino)