^

Bansa

Treasure hunter ng yaman ni Marcos absuwelto sa pamemeke

-
Inabsuwelto ng Department of Justice (DOJ) sa kasong pamemeke ng mga dokumento ang Australian treasure hunter na si Rainer Jacobi na nanguna sa paghahanap ng mga nakaw ng yaman ng pamilya Marcos.

Base sa limang pahinang resolusyon ng DOJ, ibinasura nito ang kasong paglabag sa Falsification of Public Documents at Use of Falsified Documents dahilan sa walang makitang basehan para sampahan ng kasong kriminal si Jacobi at ang abogado nitong si Atty. Crispin Reyes matapos na makuha sa kanilang pag-iingat ang isang dokumento mula sa Presidential Commission on Good Government (PCGG).

Nakasaad sa nasabing dokumento na binibigyan sila ng kapangyarihan ni dating PCGG chairman Felix de Guzman upang hanapin ang nakaw na yaman ng mga Marcos at bibigyan sila ng 10 porsiyento sa makikita nilang 13.2 bilyong dollar na kayamanan na sinasabing nakadeposito sa Union Bank of Switzerland.

Matatandaan na nagsampa ng demanda sa DOJ si dating PCGG chairman Magdangal Elma dahil sa umano’y iprinisintang dokumento nina Jacobi noong Agosto 27, 1998.

Pinabulaanan naman ni de Guzman kay Elma noong Marso 16, 1999 na wala siyang pinalalabas na ganoong liham kay Jacobi at posible umanong pineke lamang ito ni Jacobi.

Naghain naman ng demanda si Reyes sa Ombudsman dahil sa pagtanggi ni Elma na kilalanin ang liham na kanilang pinanghahawakan mula kay De Guzman. Subalit nagkontra demanda si Elma sa DOJ laban kay Jacobi at Reyes dahil sa umano’y pamemeke nito ng dokumento at paggamit para sa kanilang kapakinabangan. (Ulat ni Gemma Amargo)

CRISPIN REYES

DE GUZMAN

DEPARTMENT OF JUSTICE

ELMA

FALSIFICATION OF PUBLIC DOCUMENTS

GEMMA AMARGO

GOOD GOVERNMENT

GUZMAN

JACOBI

MAGDANGAL ELMA

PRESIDENTIAL COMMISSION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with