^

Bansa

Factory ng shabu sa QC sinalakay; 50 kilos nasamsam

-
Tinatayang mahigit 50 kilo ng high-grade shabu at 200 kilo ng kemikal na ginagamit sa paggawa nito ang nadiskubre matapos salakayin ng mga elemento ng Metro Manila Drug Enforcement Group at Narcotics Group ang naturang laboratoryo ng droga sa loob ng Xavierville subdivision na nagresulta sa pagkakaaresto nang 10 katao kabilang dito ang anim na Chinese national sa isinagawang magkasunod na drug-bust operation kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Pasado 11:30 ng kamakalawa ng gabi ng unang salakayin ng mga operatiba ang isang bahay sa #75-C Salvador st., Varsity village, Loyola Heights, QC na pag-aari ng isang Dr. Singson, kamag-anak umano ni dating Ilocos Sur Gov. Chavit Singson, kung saan dalawa sa mga suspek na Tsinoy ang naaktuhang nag-iimpake ng shabu.

Samantala sa ikalawang bahay na nasa #15 Gonzales st., Phase 1 ay naaresto ang walo pang suspek. Sa bahay na ito dinadala umano ng mga suspek ang kanilang finish product.

Ang operasyon ay sa bisa ng search warrant na inisyu ni Judge Enrico Lansanan ng Branch 7 ng Manila RTC bunsod na rin ng ilang linggong surveillance.

Bukod sa shabu, nabawi rin ng mga operatiba ang dalawang kotseng Toyota Altis at isang Mitsubishi L-300 delivery van.

Sa mga naaresto, apat ang nakilalang sina Li Lao Nar, Fujian China, Li Man Chuck, Tom Ruiz Chua, Willy Anson Ang at dalawang maid na sina Jessielyn Lamusa at Concepcion Anduhan.

Ayon kay Sr. Insp. Michael Secilano ng MMDEG-NCR matagal na nilang sinusubaybayan ang naturang lugar matapos na makumpirma na positibo ang kanilang impormasyon.

Pero ayon kay Chief Insp. Nelson Yabut, ng Anti-Trafficking Division ng Narcgroup na ang nakuhang shabu-making equipment ay hindi gaanong hi-tech kumpara sa San Juan shabu lab.

Ang Xavierville lab ay kaya lamang umanong makapag-produce ng humigit kumulang sa 50 kilo ng shabu habang sa San Juan lab ay kaya nitong makagawa ng libu-libong kilo ng shabu sa loob lamang ng isang buwan.

Takdang sunugin ang nakumpiskang shabu at raw materials alinsunod na rin sa umiiral na batas.(Ulat ni Angie dela Cruz)

vuukle comment

ANG XAVIERVILLE

ANTI-TRAFFICKING DIVISION

C SALVADOR

CHAVIT SINGSON

CHIEF INSP

CONCEPCION ANDUHAN

DR. SINGSON

DRUG ENFORCEMENT GROUP

SAN JUAN

SHABU

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with