FPJ tatakbo na sa 2004
July 19, 2002 | 12:00am
Ikinatuwa ng ilang miyembro ng oposisyon ang napabalitang plano ni actor Fernando "FPJ" Poe Jr. na tumakbo na sa presidential elections sa 2004 kapag hindi bumuti ang ekonomiya ng bansa.
Sa isang panayam kay Senator Edgardo Angara sa Club Filipino sa Greenhills, sinabi nito na ang plano ni Poe na pumasok sa pulitika sa ilalim ng banner ng oposisyon ay makakatulong ng malaki sa kanilang partido.
Ayon kay Angara, personal na kinumpirma sa kanya ni Poe ang pagtakbo nito sa pagkapangulo.
"I am confident that he (Poe) will run because he had just told me about it. But there is a certain condition, that he will only run if the current crisis in the economy will not change," sabi nto.
Naniniwala ang senador na si FPJ ang magiging pinakamahigpit na kalaban ni Pangulong Arroyo sa 2004.
Samantala, ilang sources ang nakakikita kamakalawa kay Poe na nakipagpulong sa mga senador at kongresista mula sa oposisyon sa Annabels restaurant sa Quezon City.
Mula alas-11 ng umaga hanggang 4:30 ng hapon umano nag-usap ang mga ito.
Bagamat hindi narinig ng source ang pinag-uusapan ng mga ito, nakakita siya ng mga graph na naglalahad ng ratings na ipinapakita ng mga pulitiko kay FPJ. (Ulat ni Malou Rongalerios-Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest