Strunk malabong ma-convict
July 19, 2002 | 12:00am
Nasampahan man ng kasong parricide ang principal suspect na si Rod Strunk ay tiniyak naman ng isa sa mga abogado nito na malabo itong ma-convict dahil na rin sa ito ay nasa US.
Sinabi ni Atty. Noel Lazaro, isang mahabang judicial process ang dadaanan upang mapauwi ang asawa ng aktres at papanagutin sa krimen.
Kailangan na sa maagang panahon pa lamang ay magsampa na ng kaukulang extradition proceedings ang NBI sa Supreme Court ng bansang Amerika kung saan ay kasama sa pagsasampa nito ng kahilingan na ma-extradite si Strunk ay ang resulta ng kanilang imbestigasyon na nagbigay daan upang maging prime suspect si Strunk.
Idinagdag pa ni Lazaro na pag-aaralan pa ng high tribunal ng Amerika kung may merit at balido ang konklusyon ng NBI para maging prime suspect si Strunk.
Kung makukumbinsi ang Korte ng US ay saka pa lamang nito bibigyang daan ang extradition at ang US Court mismo ang maglalabas ng warrant of arrest para kay Strunk upang ito ay mapabalik sa Pilipinas at harapin ang pagdinig ng kaso.
Gayunman, malaki ang paniwala ng isa pa sa abogado ni Strunk na si Atty. Alma Mallonga na hindi bibigyang pansin ng korte ang hiling ng NBI na ma-extradite si Strunk dahil aniya lumilitaw na naging prime suspect lamang si Strunk base sa testimonya ni Philip Medel.
Idinagdag pa nito na walang pinag-iba ang resulta ng imbestigasyon noong nauna itong iniharap sa kanila na kung saan kung tatanggalin ang testamento ni Medel ay absuwelto at maliwanag na walang kargo si Strunk. (Ulat ni Andi Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended