Ayaw maiintriga, anak ni Sec.Bunye nagbitiw
July 18, 2002 | 12:00am
Para makaiwas sa mga intriga, nagbitiw na si Atty. Patricia Bunye, anak ni Press Secretary Ignacio Bunye, bilang tagapagsalita ni First Gentleman Mike Arroyo.
Inihayag ito ni Secretary Bunye sa isang panayam matapos tumanggap ng mga katanungan sa media kung hindi sila magkakaroon ng problemang mag-ama sa kanilang tungkulin dahil sa kanilang mga posisyon.
Sinabi ni Bunye na atas ng delikadesa at para makaiwas sa mga puna at batikos kaya minabuti na ng kanyang anak na magbitiw bilang spokesperson ng First Gentleman. (Ulat ni Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest