^

Bansa

Civil society makikialam sa pagpili ng Ombudsman

-
Idineklara ng civil society groups sa pangunguna ng Kongreso ng Mamamayang Pilipino (Kompil) na kanilang mahigpit na babantayan ang paghirang sa bagong Ombudsman dahil lubha aniyang sensitibo ang puwesto kung kayat kailangang salaing mabuti ang hihirangin dito.

Ayon kay Chito Gascon, tagapagsalita ng Kompil, kailangang ikonsulta ng Pangulo sa civil society ang itatalagang Ombudsman kaugnay ng pagreretiro ni Ombudsman Aniano Desierto ngayong Agosto.

Ipinaabot na nila sa Pangulo ang pagsusumite ng nominasyon o kandidato sa hihiranging Ombudsman, pero ang isinagot umano ng Pangulo sa Kompil ay ang Judicial Bar and Council ang siyang nagpoproseso sa mga kandidato sa Ombudsman.

Matunog na napipisil ng Malacañang ay si PCGG chairperson Haydee Yorac. (Ulat ni Ely Saludar)

AGOSTO

AYON

CHITO GASCON

ELY SALUDAR

HAYDEE YORAC

JUDICIAL BAR AND COUNCIL

KOMPIL

MAMAMAYANG PILIPINO

OMBUDSMAN ANIANO DESIERTO

PANGULO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with