^

Bansa

60 nasawi sa bagyo, evacuees lumobo

-
Patuloy na umakyat ang bilang ng mga nasasawi sa walang tigil na pagdating ng bagyo sa bansa nang lumobo sa 60 ang nasasawi habang mahigit sa 20,000 katao ang dumagsa sa mga evacuation areas batay sa pinakahuling ulat ng National Disaster Coordinating Council (NDCC).

Tumaas naman sa P392.206 milyon ang halaga ng ari-arian na nawasak sa pagpasok ng bagyong Inday buhat sa dating P 368.6 milyon na winasak naman ng bagyong sina Gloria at Hambalos.

Tinatayang nasa 20,263 katao o 4,065 pamilya ang nagsisiksikan sa 95 evacuation areas sa buong bansa.

Ang Metro Manila ay naglikas ng 11,075 katao na ang pinakamarami ay buhat sa Maynila na may 6,465 habang 2,140 naman ay mula sa Marikina City.

Ang lalawigan ng Pangasinan ang may pinakamataas na bilang na inilikas na umaabot sa 3,539 pamilya kasunod ang Pampanga na may 2,896 pamilya ang inilikas.

Ang Region III ang pinakamalubhang sinalanta ng bagyo kung saan may P196,279,000 milyong pananim, ari-arian at palaisdaan ang nawasak. (Ulat ni Danilo Garcia)

ANG METRO MANILA

ANG REGION

DANILO GARCIA

HAMBALOS

INDAY

MARIKINA CITY

MAYNILA

NATIONAL DISASTER COORDINATING COUNCIL

PAMPANGA

PANGASINAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with