Gobyerno ni GMA, hiningi na ng oposisyon
July 14, 2002 | 12:00am
Dahil sa puro miyembro ng oposisyon ang inaalok ngayon ni Pangulong Arroyo para sa ibat ibang posisyon, sinabi kahapon ni Deputy Minority Leader Rolex Suplico na dapat ay ibinigay na lamang sa kanila ang pamamahala ng gobyerno.
Maliwanag aniya na mas nagtitiwala pa si Arroyo sa mga miyembro ng oposisyon at hindi sa kanyang mga kaalyado lalo na sa kanyang mga ka-partido.
"Mrs. Arroyo obviously does not trust her own partymates as she desperately tries to rescue her rapidly declining popularity rating, ani Suplico.
Hanggang sa kasalukuyan ay seryoso pa rin aniya ang ginagawang panliligaw ni Arroyo kay Sen. Blas Ople upang siyang humawak sa Department of Foreign Affairs (DFA) na iniwan ni Vice-President Teofisto Guingona.
Maging si Davao City Mayor Rodrigo Duterte na kilalang kaalyado ni dating Pangulong Estrada ay itinalaga kamakailan bilang presidential anti-crime consultant.
Dalawa pang kaalyado ni Estrada ang napabalitang inalok na rin ng posisyon sa gobyerno, sina dating Interior and Local Government Secretary Ronaldo Puno at dating political adviser Jimmy Policarpio.
Sinabi ni Suplico na ang pagkuha ng tao ni Arroyo sa oposisyon ay nagpapakita lamang na hindi nito kayang pamahalaan ang gobyerno at mas may tiwala pa ito sa oposisyon. Marami na aniya ang nadidismaya sa paraan ng pamamahala ni Arroyo, kabilang na ang mahihirap
Idinagdag ni Suplico na hindi ang mga tao sa gabinete ni Arroyo ang problema kundi ang paraan nito ng pamamahala.
"She is actually the problem and not the people in her cabinet. She can replace all her people but nothing would change as long as she refuses to reform her own style of governance,pahayag ni Suplico.
Kung gusto aniya ni Arroyo ay ibigay na lamang sa oposisyon ang gobyerno upang mas maging maayos ang pagresolba sa mga problema ng bansa. (Ulat ni Malou Rongalerios-Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended