Sinabi ni Roco na idineklara ng DECS sa pakikipag-koordinasyon sa Comelec na walang pasok sa Hulyo 16 upang mabigyan ng pagkakataon ang mga estudyante na magsiuwi para makaboto, samantala para makapagpahinga naman umano ang mga guro ng isang araw matapos ang mga itong mapagod sa pagsisilbing Board of Election Inspectors sa halalan gayundin para maihanda ang kanilang sarili sa klase kinabukasan.
Nauna nang idineklara ni Pangulong Arroyo ang Hulyo 15 bilang isang non-working holiday upang mabigyang daan ang gaganaping halalan.
Kasabay nito, hinikayat ni Roco ang milyong mga kabataan partikular na ang mga estudyanteng botante na magsiboto sa gaganaping SK at barangay elections at maging matalino sa pagpili ng mga ihahalal na kandidato. (Ulat ni Joy Cantos)