^

Bansa

Patay sa bagyo 37 na

-
Umabot na sa 37 katao ang bilang ng nasasawi habang 41 ang malubhang nasaktan bunsod ng pagbaha, landslide at pag-ulan dulot ng magkasunod na bagyong Gloria at Hambalos.

Base sa pinakahuling ulat ng National Disaster and Coordinating Council, kabilang sa mga naitalang nasawi ay ang dalawa katao mula sa Negros Occidental at dalawa sa Pampanga.

Samantala, mahigit sa P144 milyon ang ari-arian, pananim at poultry products ang nasalanta.

May 2,174 pamilya o 10,405 katao na lamang ang nasa mga evacuation centers.

Nanatili pa ring mataas ang tubig-baha sa Malabon, Marikina, Valenzuela at lalawigan ng Pampanga habang isinailalim na sa state of calamity ang pitong bayan sa Pangasinan. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

DANILO GARCIA

HAMBALOS

MALABON

NANATILI

NATIONAL DISASTER AND COORDINATING COUNCIL

NEGROS OCCIDENTAL

PAMPANGA

PANGASINAN

SAMANTALA

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with