Bunye bagong Press secretary

Magkakaroon na ng bagong miyembro ang Gabinete ni Pangulong Arroyo sa pagsisimula ng panunungkulan ni dating Muntinlupa Mayor Ignacio Bunye bilang Press Secretary sa darating na Lunes.

Si Bunye ang kapalit ni Press Secretary at Presidential Spokesman Roberto Tiglao na kasalukuyang nasa Japan. Nang umalis si Tiglao, si Presidential Management Staff Silvestre Afable ang itinalagang acting press secretary at spokesman. Pero si Afable pa rin ang tatayong presidential spokesman habang hindi pa bumabalik sa bansa si Tiglao. (Ulat ni Lilia Tolentino)

Show comments