^

Bansa

Patuloy na ulan nakakatulong pa - DA

-
Hindi nakaapekto at nakatulong pa sa mga pataniman ang patuloy na pag-uulan na dala ng bagyong Gloria at Hambalos sa iba’t ibang panig ng bansa.

Sinabi ni Agriculgure Secretary Leonardo Montemayor, malaking tulong sa mga pataniman ang mga pag-uulan matapos ang ilang buwang pagkatuyot ng mga ito noong nakaraang summer laluna sa Region 1.

Nakatulong sa pananim ng palay at tatamnang lupa ang mga pag-ulan at nadagdagan ang water level sa Angat Dam at Pantabangan Dam na pinagmumulan ng patubig sa maraming pataniman sa mga lalawigan.

Kaugnay nito, iniulat naman ni Montemayor na sapat ang suplay ng bigas sa bansa at walang dapat ipag-alala ang taumbayan sa kakulangan nito dahil may sapat na imbak ang bansa para mapunan ang pangangailangan sa butil hanggang sa pagtatapos ng taon bukod sa importadong bigas na nasa bansa na sa kasalukuyan.

Hindi rin magiging dahilan ang pag-uulan na tumaas ang halaga ng bigas dahil hindi naapektuhan ng mga bagyo ang mga pataniman sa bansa. (Ulat ni Angie dela Cruz)

AGRICULGURE SECRETARY LEONARDO MONTEMAYOR

ANGAT DAM

ANGIE

CRUZ

HAMBALOS

KAUGNAY

MONTEMAYOR

NAKATULONG

PANTABANGAN DAM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with