Bagyong Hambalos nagbabanta
July 9, 2002 | 12:00am
Hindi pa man humuhupa ang matinding buhos ng ulan at baha dulot ng monsoon rains o habagat na dala ng bagyong Gloria, pinangangambahang mas matinding hagupit naman ang dalhing epekto sa bansa ng bagyong Hambalos na nagbabantang pumasok sa teritoryo ng Pilipinas.
Patuloy na nakaantabay ang Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa ikinikilos ni Hambalos sa kasalukuyan bagamat ito ay namataan sa 440 kilometro ng kanluran ng Basco, Batanes taglay ang hanging 55 kilometro bawat oras.
Kahapon ng alas-12:30 ng tanghali, ang bagyong si Gloria ay namataan ng PAGASA sa layong 180 kilometro silangan hilagang silangan ng Basco, Batanes na may taglay na hanging 180 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso hanggang 215 kilometro bawat oras,
Ngayong umaga, si Gloria ay inaasahang nasa 1,090 kilometro ng silangan hilagang silangan ng Basco, Batanes.
Sa paglisan ng bagyong Gloria, higit na pag-iibayuhin nito at ni Hambalos ang habagat na magdudulot ng patuloy na pag-ulan laluna sa western section ng Luzon partikular sa Ilocos Region, Cordillera at lahar affected areas sa Central Luzon at western section ng Visayas.
Pinapayuhan ng PAGASA ang mga residenteng nasa baybayin ng dagat at ilog na pansamantalang lumipat sa mas mataas na lugar upang hindi maapektuhan ng malalaking alon at matinding pagbaha dulot ng naturang bagyo.
Umakyat na sa 18 katao ang iniulat na nasawi sa patuloy na pagbagsak ng ulan sa buong bansa dulot ng monsoon rains habang higit sa 28,972 pamilya o 135,604 katao ang dinala sa ibat ibang evacuation area sa bansa dahil sa matinding pagbaha, base sa pinakahuling ulat ng National Disaster Coordinating Council (NDCC).
Ang National Capital Region (NCR) at Regions III at IV ang labis na naapektuhan ng ilang araw na pag-ulan.
Nadagdag sa listahan ng mga nasawi dakong alas-9 ng umaga kahapon ang magkapatid na sina Arlene, 11 at Josua Digo, 8, na biktima ng landslide sa may Divine Mercy, Bgy. Guitnang Bayan, San Mateo, Rizal; Felix Tayag Jr. na nasawi sa aksidente sa Halsema highway, Cabonga Tublay, Benguet; Arturo Defensor, 56, ng Suage River, Janiuay, Iloilo City; Alvin Bautista, 40, ng Brgy. Latag, Nasugbu, Batangas at tatlong hindi pa nakikilalang lalaki na kapwa nalunod sa Malabon at Hermosa, Bataan.
Dagdag ang mga ito sa tatlong Korean national na nalunod sa Batangas, apat sa landslide sa Tuy, Batangas; isang natabunan ng basura sa Olongapo at dalawang nalunod sa Malabon at Cotabato City.
Umakyat naman sa 29 katao ang malubhang nasugatan kasama na ang 23 Koreano na lulan ng tumaob na motor banca kamakalawa sa may Gamao Point, Batangas kung saan hinahanap pa rin ang 2 nawawala.
Apektado naman ang mahigit 2,117 pamilya o 10,495 katao na pansamantalang inilikas sa may 38 evacuation centers sa Maynila, San Juan, Quezon City at Marikina City matapos umabot sa kritikal na level ang tubig-baha sa mga nasabing lugar.
Pansamantala namang isinara sa motorista ang Kennon Road sa Baguio City bunsod ng landslide incidents dahil sa walang humpay na pag-ulan.
Samantala, pormal ng sinampahan kahapon ng Philippine Coast Guard ng kasong kriminal ang may-ari ng motor boat na naglayag sa kabila ng abiso ng PCG na bawal bumiyahe ang maliliit na sasakyang pandagat dahil sa sama ng panahon.
Sinabi ni PCG Vice Admiral Reuben Lista, sinampahan na nila ng kasong serious negligence resulting to multiple homicide sa Marine Board of Inquiry ang may-ari ng M/B April Boy na si Ricarte Garcia dahil pinayagan nitong maglayag sa karagatan ng Batangas ang kanyang bangka na ikinasawi ng tatlo sa 23 Koreano.
Naglaan na nang P300 milyon ang pamahalaan bilang quick response fund na magagamit sa panahon ng kalamidad tulad ng dinaranas ngayong baha at ulan.
Sinabi ni Budget Secretary Emilia Boncodin na ipinalabas ng Malacañang ang naturang pondo para magastos sa pagpapakumpuni ng mga nasirang proyektong infrastructure dahil sa epekto ng baha bunsod ng patuloy na pag-ulan nitong nakarang tatlong araw.
Ang P300 milyon ay bukod pa sa calamity fund ng Pangulo.
Sa alokasyong P300 milyon, P100M ay para sa DSWD, P80M sa DPWH, P60M sa Office of Civil Defense at P60M sa National Defense. (Ulat nina Angie Dela Cruz/Lilia Tolentino/Danilo Garcia/Grace Amargo at Malou Rongalerios-Escudero)
Patuloy na nakaantabay ang Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa ikinikilos ni Hambalos sa kasalukuyan bagamat ito ay namataan sa 440 kilometro ng kanluran ng Basco, Batanes taglay ang hanging 55 kilometro bawat oras.
Kahapon ng alas-12:30 ng tanghali, ang bagyong si Gloria ay namataan ng PAGASA sa layong 180 kilometro silangan hilagang silangan ng Basco, Batanes na may taglay na hanging 180 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso hanggang 215 kilometro bawat oras,
Ngayong umaga, si Gloria ay inaasahang nasa 1,090 kilometro ng silangan hilagang silangan ng Basco, Batanes.
Sa paglisan ng bagyong Gloria, higit na pag-iibayuhin nito at ni Hambalos ang habagat na magdudulot ng patuloy na pag-ulan laluna sa western section ng Luzon partikular sa Ilocos Region, Cordillera at lahar affected areas sa Central Luzon at western section ng Visayas.
Pinapayuhan ng PAGASA ang mga residenteng nasa baybayin ng dagat at ilog na pansamantalang lumipat sa mas mataas na lugar upang hindi maapektuhan ng malalaking alon at matinding pagbaha dulot ng naturang bagyo.
Ang National Capital Region (NCR) at Regions III at IV ang labis na naapektuhan ng ilang araw na pag-ulan.
Nadagdag sa listahan ng mga nasawi dakong alas-9 ng umaga kahapon ang magkapatid na sina Arlene, 11 at Josua Digo, 8, na biktima ng landslide sa may Divine Mercy, Bgy. Guitnang Bayan, San Mateo, Rizal; Felix Tayag Jr. na nasawi sa aksidente sa Halsema highway, Cabonga Tublay, Benguet; Arturo Defensor, 56, ng Suage River, Janiuay, Iloilo City; Alvin Bautista, 40, ng Brgy. Latag, Nasugbu, Batangas at tatlong hindi pa nakikilalang lalaki na kapwa nalunod sa Malabon at Hermosa, Bataan.
Dagdag ang mga ito sa tatlong Korean national na nalunod sa Batangas, apat sa landslide sa Tuy, Batangas; isang natabunan ng basura sa Olongapo at dalawang nalunod sa Malabon at Cotabato City.
Umakyat naman sa 29 katao ang malubhang nasugatan kasama na ang 23 Koreano na lulan ng tumaob na motor banca kamakalawa sa may Gamao Point, Batangas kung saan hinahanap pa rin ang 2 nawawala.
Apektado naman ang mahigit 2,117 pamilya o 10,495 katao na pansamantalang inilikas sa may 38 evacuation centers sa Maynila, San Juan, Quezon City at Marikina City matapos umabot sa kritikal na level ang tubig-baha sa mga nasabing lugar.
Pansamantala namang isinara sa motorista ang Kennon Road sa Baguio City bunsod ng landslide incidents dahil sa walang humpay na pag-ulan.
Samantala, pormal ng sinampahan kahapon ng Philippine Coast Guard ng kasong kriminal ang may-ari ng motor boat na naglayag sa kabila ng abiso ng PCG na bawal bumiyahe ang maliliit na sasakyang pandagat dahil sa sama ng panahon.
Sinabi ni PCG Vice Admiral Reuben Lista, sinampahan na nila ng kasong serious negligence resulting to multiple homicide sa Marine Board of Inquiry ang may-ari ng M/B April Boy na si Ricarte Garcia dahil pinayagan nitong maglayag sa karagatan ng Batangas ang kanyang bangka na ikinasawi ng tatlo sa 23 Koreano.
Sinabi ni Budget Secretary Emilia Boncodin na ipinalabas ng Malacañang ang naturang pondo para magastos sa pagpapakumpuni ng mga nasirang proyektong infrastructure dahil sa epekto ng baha bunsod ng patuloy na pag-ulan nitong nakarang tatlong araw.
Ang P300 milyon ay bukod pa sa calamity fund ng Pangulo.
Sa alokasyong P300 milyon, P100M ay para sa DSWD, P80M sa DPWH, P60M sa Office of Civil Defense at P60M sa National Defense. (Ulat nina Angie Dela Cruz/Lilia Tolentino/Danilo Garcia/Grace Amargo at Malou Rongalerios-Escudero)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended