^

Bansa

Yosi bilang droga,imposiblle - Perez

-
Tahasan ang pagpalag kahapon ng Department of Justice (DOJ) kaugnay ng panukala ni Senador Loren Legarda na ideklarang drugs ang sigarilyo.

Sinabi ni Secretary Hernando Perez na mahirap at imposible ang mungkahi ni Legarda kaya sigurado anyang hindi papabor ang publiko hinggil dito sapagkat maraming mga Pilipino ngayon ang nagiging bisyo ang paninigarilyo.

Ayon kay Perez, kung ika-klasipika na drugs ang lahat ng sigarilyo ay tiyak na maraming tao ang tatamaan dito. Kabilang na ang mga pulitiko, negosyante at ordinaryong manggagawa na karaniwang naninigarilyo.

Aniya, naniniwala siyang dapat ay magkaroon ng siyentipikong basehan ang naturang isyu bago ito ayunan ng mga mambabatas.

Inamin ni Perez na mahirap iwasan ang paninigarilyo ng isang taong matagal nang gumagamit nito dahil siya mismo ay nahilig dito. Naniniwala rin ang kalihim na hindi ito dapat i-regulate. Iginiit pa ng DOJ chief na hindi dapat tapatan ng kaparusahan ang ‘smoking issue’ dahil tiyak na marami ang masasagasaan. Sinabi ni Perez na lubhang mabigat sa kalooban ng isang maninigarilyo kung ang magiging kaparusahan niya ay ang pagkabilanggo.

Matatandaan na sinabi ni Legarda na kaya niya inihain ang naturang panukala ay upang ma-monitor ang mga sigarilyong pumapasok sa bansa. Layon din nito na masaklaw ng Bureau of Food and Drugs (BFD) ang lahat ng mga sigarilyo. Ito ay upang ma-regulate ang mga sigarilyo na hinihithit ng publiko para maiwasan ang paggamit nito kung ito ay idedeklarang droga. (Ulat ni Gemma Amargo)

ANIYA

AYON

DEPARTMENT OF JUSTICE

GEMMA AMARGO

IGINIIT

LEGARDA

PEREZ

SECRETARY HERNANDO PEREZ

SENADOR LOREN LEGARDA

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with