Ayon kay acting Press Secretary Silvestre Afable, hindi niya alam kung totoo ang bantang pagbibitiw na sinasabing nakapaloob sa isang nilagdaang manifesto ng suporta sa sinibak na mga opisyal dahil sa jueteng.
Sinabi ni Afable na ang ginawang proseso ng Napolcom sa pag-aalis sa pitong pinuno ng PNP ay hindi naman naglalayong usigin sila dahil sa tumatanggap sila ng suhol sa jueteng, kundi ito ay isa lang disciplinary action base sa hindi nila pagkakatugon sa itinakdang target sa pagsugpo sa jueteng.
Mas makabubuti sana anya kung ang buong puwersa ng PNP ay susuporta sa ipinatutupad na disiplina gaya ng panawagan ni Pangulong Arroyo. (Ulat ni Lilia Tolentino)