Guingona-Legarda sa 2004 pinaplantsa na
July 6, 2002 | 12:00am
Malaki ang posibilidad na maging running mate ni Vice President Teofisto Guingona sa 2004 presidential elections si Senator Loren Legarda-Leviste sa sandaling mapagdesisyunan ng nagbitiw na DFA chief at labanan si Pangulong Arroyo sa darating na halalan.
Ito ay matapos mapagkasunduan nina Guingona at Legarda sa kanilang pagpupulong kahapon ng umaga sa Hyatt Regency Hotel na magpatawag ng pulong para sa mga miyembro ng Lakas-NUCD.
Inamin ni Legarda na lubhang nakakabigla ang naging pagtrato ng Malacañang sa pangulo ng kanilang partido na napilitan na lamang mag-resign. Sinabi ni Legarda na nasaktan sila at ng buong partido sa mga palpak na hakbang ng Pangulo.
Gayunman, iginiit ng Lakas na hindi sila maghahain ng anumang protesta.
Winika pa nito, may inaalok na Cabinet post kay Guingona ang Malacañang upang maging Mindanao czar pero posibleng hindi tanggapin ito ng Bise Presidente dahil wala namang resources ang nasabing tanggapan para maging epektibong opisina.
Samantala, nagpahayag na rin kahapon ng pagsuporta kay Guingona ang Council of Philippine Affairs (COPA) sa pamumuno ni Boy Saycon. Tahasan nilang sinabi na ayaw nila kay Sen. Blas Ople na nagpahayag kamakailan ng kanyang kahandaang tanggapin ang alok umano sa kanya ng Pangulo na maging DFA secretary. (Ulat ni Rudy Andal/Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest