^

Bansa

Pulitika at iringan sa PNP pinatigil ng Pangulo

-
Sinermunan ni Pangulong Arroyo ang PNP at pinaringgan ang mga reklamador na heneral partikular ang grupo nina Generals Edgardo Aglipay at Reynaldo Berroya na itigil na ang internal politics sa PNP.

Sa kanyang talumpati sa turnover of command sa PNP sa Camp Crame, binigyan diin ng Pangulo na nagugulo ang police organization dahil sa mga intrigahan at iringan ng ilang opisyal.

Pinasaringan ng Pangulo ang mga nagrereklamong police officials na naalis sa puwesto dahil sa pagkabigong masugpo ang illegal na sugal. Binigyang diin ng Pangulo na panahon na para magtrabaho at magkaisa ang PNP.

Kanyang tinukoy na may image problem sa peace and order at may operational problems na kailangang tugunan.

Idinagdag pa ng Pangulo na kailangan anya ng kapayapaan at kaayusan upang i-promote ang turismo at pamumuhunan. (Ulat ni Ely Saludar)

vuukle comment

BINIGYANG

CAMP CRAME

ELY SALUDAR

GENERALS EDGARDO AGLIPAY

IDINAGDAG

KANYANG

PANGULO

PANGULONG ARROYO

PINASARINGAN

REYNALDO BERROYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with