Apela nang 7 sinibak na PNP officials ibinasura ng Napolcom
July 4, 2002 | 12:00am
Ibinasura kahapon ng National Police Commission (NAPOLCOM) ang motion for reconsideration ng limang heneral at dalawang provincial director matapos na sibakin ang mga ito ng nasabing ahensiya noong Hunyo 25, dahil sa pagkakabigong sugpuin ang paglaganap ng ibat ibang uri ng sugal partikular ang jueteng sa kanilang hurisdiksiyon.
Base sa 7 pahinang resolution na nilagdaan nina Interior and Local Government Secretary at NAPOLCOM Chairman Jose Lina Jr.; Vice Chairman and Executive Officer Rogelio Pureza; Commissioners Edgar Dula Torres; Lina Hornilla at out-going Philippine National Police (PNP) Chief Director, General Leandro Mendoza, mariing pinagtibay ng mga ito ang kanilang desisyon hinggil sa pagsibak sa 7 PNP officials.
Ipinahayag ni Lina na hindi nagkulang ang NAPOLCOM sa pagbibigay abiso at pagpapaalala sa nasabing PNP officers hinggil sa kampanya laban sa ibat ibang uri ng sugal partikular ang jueteng.
Bukod sa mga memorandum, warning letters, paulit-ulit na pinaalalahanan sa pamamagitan ng verbal instructions ng NAPOLCOM ang naturang mga opisyal sa tuwing nagkakaroon sila ng command conferences.
Nakasaad sa resolution ng NAPOLCOM ang pagbasura sa motion for reconsideration nina National Capital Regional Police Office Director, General Edgar Aglipay; Region 3 Director, Chief Supt. Reynaldo Berroya; Region 4 Director, Chief Supt. Domingo Reyes; Region 7 Director, Chief Supt. Avelino Razon; Western Police District (WPD) Director, Chief Supt. Nicolas Pasinos; Laguna Provincial Director, Sr. Supt. Leonilo dela Cruz at Cebu Provincial Director, Sr. Supt. Antonio Salvacion.
Sinabi ng NAPOLCOM, nakasaad sa Civil Service Commission Law, na ang pinalabas na relief order laban sa nabanggit na mga opisyal ay hindi disciplinary action kundi ito ay bahagi ng re-assignment at walang nilabag na due process ang nasabing ahensiya.
Sa ngayon ay nakatakdang magsumite ang PNP sa NAPOLCOM ng listahan ng mga pangalan ng mga kuwalipikadong opisyal na papalit sa mga nabakanteng puwesto.(Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Gemma Garcia | 49 minutes ago
By Doris Franche-Borja | 49 minutes ago
By Ludy Bermudo | 49 minutes ago
Recommended