Mga kasangga ni Erap sumanib na sa Arroyo govt.
July 4, 2002 | 12:00am
Kinumpirma ng Malacañang na tuluyan nang kumampi sa administrasyon ang mga kilalang malapit na tauhan ni dating Pangulong Estrada.
Sinabi ni acting Press Secretary Silvestre Afable na mismong sina Ronnie Puno at Jimmy Policarpio ang nag-alok ng tulong o serbisyo sa Malacañang.
Ayon kay Afable, ang mga ganitong alok ay hindi maaaring tanggihan ng Palasyo upang magamit ang kasanayan nina Policarpio at Puno.
Inihayag ni Afable ang nakausap nina Puno at Policarpio ay mismong si First Gentleman Mike Arroyo.
Pero sinabi ni Mr. Arroyo na kanyang hiningan ng tulong ang mga tauhan ni Erap upang maisulong ang kapakanan ng publiko.
Si Policarpio ay dating Presidential Legislative Adviser, samantalang si Puno ay dating DILG secretary sa ilalim ng Estrada administration. Napaulat na maging si dating Press Secretary Ricardo Puno ay tumutulong na rin sa Arroyo administration.
Samantala, ikinagulat naman nina Policarpio at Dong Puno ang nasabing pagbaligtad nila sa administrasyon.
Sinabi ni Dong Puno na wala siyang natatanggap na alok at wala itong balak na bumalimbing.
Ayon kay Dong Puno, ayaw niyang lumipat sa Malacañang dahil magulo umano ang organisasyon sa Office of the Press Secretary. Ito rin ang pahayag ni Policarpio taliwas sa deklarasyon ni Afable. (Ulat ni Ely Saludar)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 18, 2024 - 12:00am