Sa ipinadalang fax statement, iginiit ni Sen. Ople na may 2 taon pa siya para maglingkod sa Senado subalit kapag napatunayan niyang sinsero ang Arroyo administration sa alok nito ay nakahanda siyang tanggapin nito ang nasabing posisyon sa DFA.
Last termer na si Ople sa pagiging senador at bilang isang beteranong mambabatas na ilang ulit naging chairman ng Senate committee on foreign relations ay naniniwala ang marami na mas angkop dito ang pagiging kalihim ng DFA. (Ulat ni Rudy Andal)