Jinggoy nakipag-inuman kay Daboy ?
July 2, 2002 | 12:00am
Dapat magpaliwanag ang personal physician ni dating San Juan Mayor Jinggoy Estrada sa Sandiganbayan Special Division kaugnay sa umanoy pagpapasarap nito makaraang makipag-inuman umano sa aktor na si Rudy "Daboy" Fernandez.
Nakasaad sa resolusyong pinalabas nina acting presiding Justice Minita Chico-Nazario, Associate Justices Edilberto Sandoval at Teresita Leonardo-de Castro na dapat humarap sa korte si Dr. Roberto Anastacio bukas, Hulyo 3, bandang 8:30 ng umaga,
Ito ay kaugnay sa impormasyong ibinigay ng isang Leoncio de Mesa ng UP Diliman, Quezon City.
Noon umanong June 11, isinara sa publiko maging sa mga hospital staff ang Floating Island restaurant ng Makati Medical Center dahil umano magkakaroon ng press conference sa nasabing lugar si Fernandez kasama si Jinggoy at bilang selebrasyon na rin umano sa pagkapanalo ni Daboy bilang best actor sa Metro Manila Film Festival kamakailan.
Nagtataka umano ang mga tao dahil sa umabot hanggang umaga ang presscon at hindi pa ito binubuksan kahit alas-7 na ng umaga. Nakita rin umano ang mga staff ng restaurant na kinokolekta ang mga bote ng red wine.
Dapat din umanong parusahan ng Philippine Medical Society ang doktor sa panloloko sa korte na maysakit ang kanyang pasyente gayung nakikipag-inuman lang pala ito. Matatandaang dinala sa Makati Med si Jinggoy noong nakaraang buwan dahil sa pagtaas ng blood pressure at tubig sa baga. (Ulat ni Malou Rongalerios-Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended