^

Bansa

DPWH hihingiin ni Sen. Revilla kay GMA

-
Kung tutol si Senator Blas Ople sa alok ng Malacañang na maging kalihim ng Department of Foreign Affairs (DFA) ay nagpahiwatig naman si Senator Ramon Revilla Sr. na tatanggapin nito ang posisyon bilang kalihim ng Public Works and Highways kapag inalok siya ni Pangulong Arroyo.

Sinabi ni Sen. Revilla na last termer sa Senado, sakaling may hihilingin man siya kay GMA bilang kapalit sa pananatili nitong tapat sa administrasyon, ito ay ang pagiging kalihim ng DPWH.

Iginiit pa ng senador na umuwi siya sa bansa sa sarili niyang kagustuhan at walang pumilit sa kanya gaya ng napapaulat na pinauwi siya ng Pangulo dahil sa pagkakaroon ng Senate impasse kung saan ay mismong si Senate President Franklin Drilon pa ang sumundo dito sa airport.

Nakatakdang bumalik sa US si Revilla sa darating na Agosto para sa panibagong operasyon sa kanyang lalamunan kung saan nagkaroon naman ng diperensiya ang kanyang vocal chord. (Ulat ni Rudy Andal)

AGOSTO

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

DRILON

IGINIIT

MALACA

PANGULONG ARROYO

PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

REVILLA

RUDY ANDAL

SENATOR BLAS OPLE

SENATOR RAMON REVILLA SR.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with