Mas malaking pagbalasa sa PNP ibinabala ni Gloria
June 29, 2002 | 12:00am
Iniamba ni Pangulong Arroyo ang panibagong malakihang revamp sa hanay ng PNP at ang nangyaring pagbalasa at pagsibak sa pitong PNP officials kaugnay ng kabiguan sa illegal gambling o jueteng ay patikim pa lamang ng kanyang administrasyon.
Ito ang ginawang deklarasyon ng Pangulo kasabay ng pahayag ng kanyang buong suporta at kumpiyansa sa naging hakbang ni DILG Secretary Joey Lina sa ginawang rigodon sa PNP.
Ayon sa Pangulo, sampol pa lamang ang pagsibak kina NCRPO Director Edgar Aglipay, Recom 3 director Chief Supt. Reynaldo Berroya at Recom 7 director Chief Supt. Avelino Razon at apat pa.
Sinabi ng Pangulo na bukod sa jueteng, malaking hamon sa PNP ang kampanya laban sa illegal na droga at kidnapping at kung magkakaroon ng kabiguan dito ay mananagot at mapapasama sa malawakang pagbalasa.
Ipinaalala ng Pangulo na mahigpit nitong ipatutupad ang command responsibility sa PNP sa anumang palpak na kampanya. (Ulat ni Ely Saludar)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended