Hakbang sa pagbuwag sa Kongreso sinimulan na
June 28, 2002 | 12:00am
Sinimulan na kahapon ang unang hakbang sa pagbuwag ng dalawang kapulungan ng Kongreso kung saan babaguhin din ang sistema ng gobyerno sa pamamagitan ng pag-amyenda sa Konstitusyon. Inihain ng pitong mambabatas sa pangunguna ni senior deputy Minority Leader Constantino Jaraula ang concurrent resolution no. 12 na nananawagan sa pagbuo ng isang Constituent Assembly na siyang mangunguna sa pag-amyenda ng 1987 Constitution.
Sinabi ni Speaker Jose de Venecia na kung ang pag-amyenda sa Konstitusyon ay gagawin sa pamamagitan ng Constituent Assembly, pipilitin nila itong gawin bago matapos ang taon, subalit kung sa pamamagitan naman ng Constitutional Convention ito ay sisimulan sa susunod na taon.
Idadaan pa aniya sa isang plebisito ang inamyendahang Konstitusyon at isasagawa ito bagong dumating ang 2004.
Ipinanukala din ng mga mambabatas ang pagpapaliban ng presidential elections sa 2004 upang mas mapagtuunan ng pansin ang gagawing pag-amyenda sa Saligang Batas.
Sinabi ni de Venecia na pabor siyang buwagin na ang House at Senate na kinakailangang gawin sa ilalim ng parliamentary system kung saan magkakaroon na lamang ng isang national assembly. Sinabi naman ni Jaraula na napatunayan nang hindi epektibo ang kasalukuyang sistema ng gobyerno dahil hindi nito natutugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan. (Ulat ni Malou Rongalerios-Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest