Sa inisyal na imbestigasyon ng Singapore police, dakong alas-5:31 ng hapon noong nakaraang Linggo ng maganap ang umanoy pagpapatiwakal sa No.32 Jalan Rajah Tower sa unit 25-04.
Durog ang katawan at bungo ng biktima ng dalhin sa Singapore General Hospital ng mga residente sa nasabing tower. Nakitaan din ng hiwa sa magkabilang pulso ang biktima na hinihinalang naglaslas bago nagpakamatay.
Nabatid sa mga opisyal ng Advanced Link Pte., Ltd. isang Singapore-based agency, na dalawang araw pa lamang si Gatapia nagtatrabaho sa kanyang Indonesian-Chinese employer na nakilalang si Tijioe Djlig Wen, may asawa at dalawang anak.
Ayon sa pulisya doon, nakatanggap sila ng tawag bandang 5:31 ng hapon mula sa security officer ng gusali at iniulat na isang maid ang tumalon umano sa naturang gusali.
Nakita ng Singapore police sa kuwarto ng biktima ang mga patak ng dugo sa may bintana, kitchen knife na hinihinalang ginamit sa paglalaslas at silya malapit sa bintana na pinaniwalaang ginamit sa pagtalon.
Wala ang employer at kasambahay nito ng maganap ang insidente. Wala ring suicide note na nakita ang mga awtoridad. (Ulat ni Ellen Fernando)