^

Bansa

OFW sa Singapore tumalon mula sa 25th floor, patay

-
Isang Pinay overseas worker sa Singapore ang namatay matapos itong lumundag mula sa ika-25 palapag ng condominium na tirahan ng kanyang employer. Sa report ng Department of Foreign Affairs kahapon, kinilala ang biktima na si Maricon Felix Gatapia, 21, tubong Rizal.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Singapore police, dakong alas-5:31 ng hapon noong nakaraang Linggo ng maganap ang umano’y pagpapatiwakal sa No.32 Jalan Rajah Tower sa unit 25-04.

Durog ang katawan at bungo ng biktima ng dalhin sa Singapore General Hospital ng mga residente sa nasabing tower. Nakitaan din ng hiwa sa magkabilang pulso ang biktima na hinihinalang naglaslas bago nagpakamatay.

Nabatid sa mga opisyal ng Advanced Link Pte., Ltd. isang Singapore-based agency, na dalawang araw pa lamang si Gatapia nagtatrabaho sa kanyang Indonesian-Chinese employer na nakilalang si Tijioe Djlig Wen, may asawa at dalawang anak.

Ayon sa pulisya doon, nakatanggap sila ng tawag bandang 5:31 ng hapon mula sa security officer ng gusali at iniulat na isang maid ang tumalon umano sa naturang gusali.

Nakita ng Singapore police sa kuwarto ng biktima ang mga patak ng dugo sa may bintana, kitchen knife na hinihinalang ginamit sa paglalaslas at silya malapit sa bintana na pinaniwalaang ginamit sa pagtalon.

Wala ang employer at kasambahay nito ng maganap ang insidente. Wala ring suicide note na nakita ang mga awtoridad. (Ulat ni Ellen Fernando)

vuukle comment

ADVANCED LINK PTE

AYON

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

ELLEN FERNANDO

ISANG PINAY

JALAN RAJAH TOWER

MARICON FELIX GATAPIA

SINGAPORE GENERAL HOSPITAL

TIJIOE DJLIG WEN

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with