Ayon kay Andrada, maituturing umano na iresponsableng pinuno ng Transco si Gonzaga dahil sa ginagawa nitong mga pahayag kamakailan para sa pagtatanggol sa Napocor gayung independent ang Transco sa nasabing government corporation na itinakda sa EPIRA.
Sinabi ni Andrada, dapat ay magkaroon ng malinaw na posisyon si Gonzaga na hiwalay sa Napocor dahil siya ang namumuno sa Transco na independent sa state power utility at ang dapat niyang pagtuunan ng pansin ay ang pagiging transmission provider at system dispatcher.
Inamin kamakailan ni Gonzaga sa kanyang mga statement sa media na bagaman sinabihan ang Meralco na may oversupply ng kuryente ay pinayagan pa rin nila ang konstruksiyon ng First Gas San Lorenzo na nakatakdang maging operational.
Dapat anyang alalahanin ni Gonzaga na wala na siya sa Napocor kung saan ay 30 taon itong naglingkod at kasalukuyan na siyang pinuno ng Transco mula sa generation at distribution sector. (Ulat ni Rudy Andal)