^

Bansa

Ople, Sotto di inalok ng posisyon sa Gabinete

-
Pinabulaanan ng Malacañang na inalok ni Pangulong Arroyo sina Senators Blas Ople at Vicente Sotto ng puwesto sa Gabinete para masigurong mananatili ang kontrol ng administrasyon sa Mataas na Kapulungan ng Kongreso.

Napaulat na si Ople ay ilalagay umano sa posisyong Foreign Affairs secretary, samantala si Sotto ay DILG secretary.

Sa isang press briefing kahapon, sinabi ni acting Press Secretary Silvestre Afable na walang katotohanan ang ulat dahil hindi naging ugali ng Pangulo ang gumawa ng ganitong pambubuyo.

Pinasinungalingan din ni Afable na nahuli umano si Senador Ramon Revilla na nakikipag-usap kay First Gentleman Mike Arroyo na gustong makatiyak na makakasama ang kanyang anak na si ex-Cavite Gov. Bong Revilla sa mga kandidatong senador ng administrasyon. (Ulat ni Lilia Tolentino)

AFABLE

BONG REVILLA

CAVITE GOV

FIRST GENTLEMAN MIKE ARROYO

FOREIGN AFFAIRS

LILIA TOLENTINO

PANGULONG ARROYO

PRESS SECRETARY SILVESTRE AFABLE

SENADOR RAMON REVILLA

SENATORS BLAS OPLE

VICENTE SOTTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with