^

Bansa

Wedding of the Year

-
Itinuturing na kasalan ng taon ang pag-iisang dibdib kahapon nina Presidential Son at Pampanga Vice Gov. Mikey Arroyo at Angela Montenegro na ginanap sa pinakamatandang simbahan sa Lubao, Pampanga.

Sinimulan ang kasalan ng alas-10 ng umaga at natapos ng 11:30 ng tanghali.

Dinagsa ito ng mga matataas na opisyal ng gobyerno sa pangunguna ni Pangulong Arroyo at First Gentleman Mike Arroyo kasama ang mga balae nito na sina Herman at Rosario Montenegro. Principal sponsors sina dating pangulong Fidel Ramos at Cory Aquino, negosyanteng si Don Emilio Yap, Sen. Loren Legarda-Leviste, Diosdado Macapagal Jr., Mrs. Gina de Venecia, Mario Cruel, Norma Chan, Enrique Aboitiz at Salvacion Villarasa.

Nagpadala rin ng liham si Pope John Paul II na bumabati sa bagong mag-asawa.

Naging maayos ang kabuuan ng kasalan dahil na rin sa seguridad na ipinatupad ng PNP at PSG.

Subalit nagkaroon naman ng klasikong pangyayari sa kasalan sa eksenang paghalik ni Mikey kay Angela.

Tila inip na umano si Mikey na magbigay ng go signal si Archbishop Paciano Aniceto na puwede nang halikan ang bride.

Nang humalik na si Mikey kay Angela ay tila isang eksena sa pelikula na sinibasib ng halik ng isang action star ang kanyang leading lady na nagresulta para magkatawanan sa simbahan.

Kasabay nito, idineklara ng Malacañang na isang simple lamang ang nasabing kasalan. Wala umanong ginastos dito ang gobyerno lalo sa ginawang pagkumpuni sa simbahan. (Ulat ni Ely Saludar)

ANGELA

ANGELA MONTENEGRO

ARCHBISHOP PACIANO ANICETO

CORY AQUINO

DIOSDADO MACAPAGAL JR.

DON EMILIO YAP

ELY SALUDAR

ENRIQUE ABOITIZ

FIDEL RAMOS

MIKEY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with